Ang mga tanawin sa Pilipinas ay sadyang kay gaganda at kaayaaya sapagkat ito'y ginawa ng ating dakilang lumikha at pati narin ng mga malilikhaing mga pilipino.
Napakaraming mga tanawin ang matatagpuan dito sa Pilipinas at karamihan dito ay palaging dinarayo ng mga dayuhan o mga turista.Isa na sa magagandang tanawin dito sa Pilipinas ang Choccolate Hills sa Carmen Bohol, Maria Cristina Falls na matatagpuan sa Agusan Del sur, Taal Volcano na matatagpuan sa Batangas, Mayon Volcano na matatagpuan sa Albay at marami pang iba. Ang mga ito ay halimbawa ng mga tanawin sa Pilipinas na ginawa ng ating panginoong diyos.
Mayroon din tayong mga tanawin na ang gumawa ay ang mga pilipino, tulad nalang ng Banaue Rice Terraces na matatagpuan sa Ifuagao, ang Magellan's Cross na matatagpuan sa Cebu, ang Sunken Cemetery sa Camiguin, at marami pang iba.
Talagang napaka gaganda ng mga tanawin dito sa Pilipinas, mapa likas man o di-likas na tanawin. Talagang tama nga naman ang binansag sating "It's more fun in the Philippines". Kung ayaw nating mawala ang tawag na ito sa Pilipinas, panatilihin natin o pangalagaan ang ating mga tanawin. At dahil tayo'y isang hamak na estudyante lamang, sa tingin ko,kung gusto nating mapaunlad pa lalo ang Pilipinas at makilala sa buong mundo, ipag malaki natin ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento