Pilipinas ang pangalan
nitong bayang sinilangan,
kinalakihan at nagbigay
ng mga biyayang inaasahan
Pagmasdan ang kapaligiran
kay gaganda ng kalikasan,
Pagtingin sa kaliwa't kanan
ito'y makikita kung saan saan
Ang mga kabundukan,
mga dagat, Pagsanjan,
Bulkang Mayon at Bulkang Taal,
mga likas na tanawin na gawa ng may kapal
Ang mga ito ay iilan lamang
sa mga tanawing makikita sa bayan,
Napakarami pang mga tanawin
ang makikita sa bayan natin
Habang may panahon
tayo na't mamulat,
pagyamanin ang paligid
upang bansa'y umunlad
mga tanawin sa pilipinas
Martes, Enero 15, 2013
mga halimbawa ng di-likas na tanawin na pilipinas
Mga halimbawa ng di-likas na tanawin sa Pilipinas
Ang Banaue Rice Terraces o hagdan-hagdang palayan ay isang di-likas na tanawin dahil ito ay ginawa ng mga kahanga hangang mga pilipino.Ito ay matatagpuan sa ifugao.Isa rin ito sa mga tanawin dito sa Pilipinas na palaging dinarayo ng mga turista.
Ang Sunken Cemetery ay isa rin sa mga magagandang tanawing di-likas dito sa Pilipinas. Ito ay makikita sa Camiguin Island.Marami ring mga turista ang dumadayo at pumupunta dito.
Ang Magellan's Cross ay isa ring halimbawa ng di-likas na tanawin dito sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Cebu.Napakaraming turista ang pumupunta dito upang makita ang krus na ito.Itong tanawing ito ay napakahalaga at makasaysayan dahil ito ang itinayung krus sa Cebu nang dumating si Ferdinand Magellan.
Sa aking pag-kakaalam, ang Vinta ay isa ring magandang tanawin dito sa Pilipinas.
Ang Vinta ay isang bangkang mayroong ibat-ibang kulay ang layag.

Mga halimbawa ng mga likas na tanawin dito sa pilipinas
Mga halimbawa ng likas na tanawin sa Pilipinas
Ang Choccolate Hills ay isang bulubundukin na matatagpuan sa Carmen Bohol. Meron itong 1,776 na burol. Ang Choccolate Hills ay nagiging kulay berde tuwing tag-ulan at nagiging kulay tsokolate naman tuwing tag-araw. Kilala rin ang Choccolate Hills dahil sa "Tarsier".
Ang Mayon Volcano ay isang aktibong bulkan sa Albay. Kilalang kilala ang Bulkang Mayon sa tawag na "perfect cone"
dahil sa naturang perpektong hugis triyangulo.
Ang Taal Volcano ay isang aktibong bulkan na matatagpuan sa Batangas. Ito ay tinatawag na pinaka maliit na aktibong bulkan dito sa Pilipinas.Ito ay bulkang pinapaligiran ng isang lawa na tinatawag ay "Taal Lake".
Ang Pagsanjan Falls ay isa sa magaganda at kilalang tanawin dito sda Pilipinas.Ito ay makikita sa probinsiya ng Laguna.Ito rin ay isa sa mga dinarayo ng mga turista.

Ang Maria Cristina Falls ay isa rin sa magagandang atrakson dito sa Pilipinas. Ito ay makikita natin sa probinsiya ng Agusan Del sur.Ang tubig na bumabagsak dito ay nagmumula sa lawa ng Lanao at dumsdsloy patungong Agusan.
Lunes, Enero 14, 2013
Mga Tanawin sa Pilipinas
Ang mga tanawin sa Pilipinas ay sadyang kay gaganda at kaayaaya sapagkat ito'y ginawa ng ating dakilang lumikha at pati narin ng mga malilikhaing mga pilipino.
Napakaraming mga tanawin ang matatagpuan dito sa Pilipinas at karamihan dito ay palaging dinarayo ng mga dayuhan o mga turista.Isa na sa magagandang tanawin dito sa Pilipinas ang Choccolate Hills sa Carmen Bohol, Maria Cristina Falls na matatagpuan sa Agusan Del sur, Taal Volcano na matatagpuan sa Batangas, Mayon Volcano na matatagpuan sa Albay at marami pang iba. Ang mga ito ay halimbawa ng mga tanawin sa Pilipinas na ginawa ng ating panginoong diyos.
Mayroon din tayong mga tanawin na ang gumawa ay ang mga pilipino, tulad nalang ng Banaue Rice Terraces na matatagpuan sa Ifuagao, ang Magellan's Cross na matatagpuan sa Cebu, ang Sunken Cemetery sa Camiguin, at marami pang iba.
Talagang napaka gaganda ng mga tanawin dito sa Pilipinas, mapa likas man o di-likas na tanawin. Talagang tama nga naman ang binansag sating "It's more fun in the Philippines". Kung ayaw nating mawala ang tawag na ito sa Pilipinas, panatilihin natin o pangalagaan ang ating mga tanawin. At dahil tayo'y isang hamak na estudyante lamang, sa tingin ko,kung gusto nating mapaunlad pa lalo ang Pilipinas at makilala sa buong mundo, ipag malaki natin ito.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)